Monday, December 14, 2015

Marco BMG - 259AM sa Bulan

259AM sa Bulan by Marco BMG is now available here in your opm songs page! 

Check out the video of this song by Marco BMG

 This is the official music video of the song released by Marco Angelo Cruz on their YouTube Channel, December 5, 2015.
Here is the lyrics of 259AM sa Bulan by Marco BMG
(Isang minuto nalang demonyo na, orasan ng Diyos sana mawalan ng baterya) 2x tatak sona singko representin tha hood
Binabati ko ang lahat ng nakikinig,
pasensya na, kung ako'y medyo naiinip,
Naghahanap lang ng shortcut para maakyat
ng mabilis ang taas, bago tuluyang umangat
Ay magpapasalamat, muna sa aking pamilya,
Mga tropa sa zona singko at Marikina,
Mga nakatambayan, mga
nakaalitan
Sa mga pinagsamahan ng aking mga kaibigan
Na nagtanggol at gumabay, sa aking landas,
Para malakad ng tuwid, at hindi umatras,
Sa mga hamon ng buhay, nilagyan niyo ng kulay,
Ang mata ko sa pagtulog ay palaging mapungay,
Pinahaba pasensya kasabay ng aking sungay,
Kayo ang aking bakod dahil ako’y suportado niyong tunay,
At kahit minsan madumi ang laro,
Sinamahan niyo akong linisin nang di mabigo,
Sa aking mga luho, kayo ang naging guro,
Parang tagatagay pagkat kayo ang nanghubog,
Sa mga karanasang minsa’y hindi mabuti,
Sa mga 420, at batuhan ng bote,
Sa pagsali ng frat, at pagpasok ng gang,
Sinabi saking wag akong magpapalo kayo nalang,
Ang sasalo, dahil mura pa ang aking idad
At may pangarap pang makapagaral sa unibersidad,
Pero di masasabi na malambot,
Kung sa iba’t ibang panganib ako ay nasangkot,
Lumayo man ang iba, meron paring matitira,
Ng panira saakin may grupo na sasangga,
At magsasabing sa musika, maging dedikado,
Pagkat sa mikropono naturingan delikado,
Sa mga kwento ko na parang baril,
Tinatamaan ang mabuti pati suwail,
Gamit ng karanasan ay naging respetado,
Ang karera na sana kasing bilis ng kabayo,
Sa paglutang na parang damo,
Ngunit sana wag mapagod at bumagal ang takbo ng relo,
Wag tapusin ang musika’t tayo’y magsimula,
Parang babae na aking inabutan ng tula,
Sa tamis ng salita, inaabot ka ng dalaw,
Hinihiling pagsikat sayo sa isang araw,
Ako ang pinakaseryoso mong manliligaw,
Kahit pagdaan ng pagasa'y parang bulalakaw,
Hinahanap kapag nakahiga ko sa kama,
Ang sarap ng tunog kapag ikaw ang kasama,
Inuunder ka man ng iba,
Sa tenga ko ikaw parin ang pinakamagandang musika,
Kasabay ng kalis, na pag aking nais,
Konsensya nililinis na parang tubig sa batis,
Lunurin ang pulang kabayo,
Sa katawan ng taong pangalan ay marco,
Sa pagpatak ng gabi, ang pangit ay gumanda,
Wala ng mali, lahat ay may tama na,
Sabi ng mainit kong labi malamig simoy ng hangin,
Tumitirik ang mata habang may bumulong sakin,
Madaling kumuha ng reyna kung naghari ka dito,
Sa pagtungga ang florida muli naabot ko
sa paglipad, sisikat na ang araw mata ko’y palubog
kasama ng pusang naghubad,
sa harapan napatindig,
ang asong kahit di ko na masyadong marinig,
At di na masuklian pinangbayad kong inip,
Katawan ko’y nasa sahig,
Sumabay saking lumipad sa ibang daigdig,
Tinawag kong mahal sa idad kong mura,
Bago maging alipin sa mga medisina,
Nung nahulog sakin ang babae,
Dun ko masasabing literal na lumuhod mga tala,
Pagkat sabog, ako’y tawaging Granada,
Susuka man hindi susuko dahil aking ipinatumba
Ang matador, ako'y emperador
Pinaganda ko beat na parang embalsamador,
Simple lang ang tunog, ngunit may ispesyal na elemento
Ang hatid ni badmusicgame sa mga tao,
Sa dami ng kasalanan kelangang magdasal
Ikaw ang naging pari sa aking pagkumpisal
Isang minuto nalang demonyo na, orasan ng Diyos sana mawalan ng baterya 2x
Let’s support opm songs as we keep on listening to their music and sounds.

OPM Songs

Marco BMG - 259AM sa Bulan
4/ 5
Oleh
Looking for Skin Whitening and effective beauty cosmetics? Shop now at NWorld Shop by Cristal & Jon.